Thursday, March 5, 2009

"Illuminate o Pagliliwanag"


Ang mundo ay punung-puno ng kadiliman. Hindi sa literal na aspeto, ngunit sa moral at intelektwal na aspeto ng buhay ng tao. Sa ating pang araw-araw na mga gawain, nakaiimpluwensiya at naiimpluwensyahan tayo ng ibang tao, tama man ito o mali. Ang pag-iisip ng tao ay nakasalalay sa mga importanteng bagay tulad ng edukasyon, ang istandard ng lipunan, pamilya, kaibigan o sariling mga desisyon. Ngunit, hindi lahat ng nasasagap natin sa pakikihalubilo natin sa iba ay mayroong katotohanan.
Ang salitang “illuminate” ay galing sa salitang Latin na illuminationem (nom. illuminatio), galing din sa salitang “illuminare” o ibig sabihin ay "to throw into light," . Sa ating sariling lenggwahe, ang katumbas nito ay ang salitang “pagliliwanag”.
Napili ko ang salitang ito, dahil napagtanto ko na, ito ang pinaka-kailangan nga sangkatauhan sa mga panahon kung saan lahat tayo, ay nakakaranas ng kadiliman ng ating pagkatao. Makikita natin ngayon kung gaano nang inuuod ang lipunan ng kasamaan at kasinungalingan. Kahit man lang sana kaunting liwanag ay maging daan tungo sa tamang rason at pag-iisip. Kapag nakakita na tayo ng liwanag buhat sa ating pagtulog, tayo ang bumabangon upang harapin ang bagong umaga, kung saan mayroong bagong mga posibilidad na maari nating harapin.
Sa dami ng mga bagay na nagbibigay ng latak sa lipunan sa mga panahon ngayon, kailangan nating mga tao ng kahit na kaunting pagliliwanag sa kadilimang bumabalot sa ating lipunan. Maari mang maliit na bagay ito, ngunit ika nga ni Mother Teresa “we can do no great things, only small things with great love”. Isa itong patunay, na kahit hindi na inosente ang mundo sa lahat ng kasamaang alam ng sangkatauhan, mayroon pa rin mga tao na, sinusubukang baguhin, kahit gaano pa kaliit, ang katotohanang namamayani, kung ito man ay pawing kasinungalingan, at “pagliwanagan” ang mga naghahanap nito
.

1 comment:

  1. Tunay na sinaliksik ang pagpapaliwanag sa katuturan ng salita. Nagliwanag ang landas sa paghahawan sa katuturan ng salita. 100%

    ReplyDelete