Wednesday, March 11, 2009

"Ploning"; Isang Pagsusuri


Ang pelikulang "Ploning" ay isang Obra Maestra. Ito ay dinirehe ni Ginoong Dante Nico Garcia, na siyang may ideya kung papaano nagsimula ang pelikulang ito. Siya ang may akda ng screenplay at siya rn ay isang Cuyunon, o tubo sa Cuyo, Palawan. Ang pelikula ay ibinase sa kanyang mga karanasan nung namumuhay pa siya sa bayan ng Cuyo.

Ang pelikulang ito ay pumukaw sa mga imahinasyon at lohika ng manunuod, dahil hindi ito pangkaraniwan at ito ay masasabing nagiisa lamang. Ito ay ginawa sa mismong bayan ng Cuyo sa Palawan, upang makuha ang totoong "setting" at "environment" na kinakailangan upang magkaroon ng katotohanan ang pagganap sa kanilang mga karakter.

Ang pelikula ay tungkol sa isang lalaki na nagngangalang "Digo", siya ay nagtatrabaho sa isang barkong pangisda na pagmamay-ari ng isang "taiwanese". Dumaong ay naturang barko sa Palawan, at pinagsabihan si Digo ng kanyang amo na hanapin ang kanyang "Ploning". Kaya naman nang dumaong ang barko ay nagtungo siya kaagad sa Cuyo, upang hanapin ang nawawala niyang nakaraan. Nang siya ay nagbalik sa mga lugar kung kailan siya tumira roon, nagsimulang bumalik sa kanya ang mga ala-ala ng nakaraan. Isang babae, ang napakamisteryosa at hindi maintindihan ng marami, at ang kanyang pangalan ay "Ploning". Si Ploning is ay sikat sa kanilang bayan, Anak siya ni Susing at mayroong espesyal na pagaalaga kay Intang, ina-inahan ni Dogo at kaibigan sa mga karakter nila Nieves at Toting, si Alma, Siloy, nangangalaga din kay Juaning, na siyang "ina" ni Digo. Isa siyang uri ng babae na kung saan, hindi na napapansin ng mga kababayan niya ang hindi pagtulo ng ulan dahil sa kanya. Lahat ng tao ay nagtataka kung bakit sa edad niyang 30 ay hindi pa siya nagaasawa. Ang dahilan ay ang malalim na pag-ibig niya kay Tomas, na matagal nang nawawala at hindi na nakita magmula noong umalis siya patungong maynila. Si Digo ay mahal na mahal ang nanay-nanaan niyang si Ploning, kaya naman noong umalis si Ploning at nagtungo sa maynila. Si Celeste ay isang nars na nagtungo sa bayan ng Cuyo upang hanapin ang kanyang "tomas". Hindi matanggap ni Ploning na ang Tomas ni Celeste at ang Tomas niya ay iisa. Noong bigla na lamang umulan sa bayan ng cuyo, hindi na muli pang nakita sa ploning, ngunit naiwan niya ang pinakatatago niyang sikreto. Noong siya ang 16 anos pa lamang, nabuntis siya ni Tomas at ang bunga ng kanilang pagmamahalan ay walang iba kundi si Digo.

Nakakalungkot ang pelikula dahil iniisip natin na hindi nakilala ni Digo ang kanyang tunay na Ina ng lubusan, isa itong malaking sakripisyo kay Ploning dahil walang ina ang nakatitikis sa anak. Isang pagmamahal na dumaloy sa oras at espasyo ng mga buhay ng mga karakter ng istrya. Isang magaling na panulat ng "script" at sinamahan ng kagandahan ng palawan at ng mga magagaling na aktor at aktres ng henerasyong ito.

Ginampanan ng malalaking aktor ng industriyang pampelikula ang pelikulang ito. Si Judy Ann Santyos bilang Ploning, ay ginampanan ang karakter ng walang alinlangan, nakabibilib ang pag-aaral niya ng salitang Cuyunon, upang magampanan ng tama ang karakter. Napukaw niya tayo sa kanyang kagalingang gumanap sa mga karakter niya. Ito hinalinhinan din nga mga malalaking bituin tulad ni Gina Pareno, Eugene Domingo,Mylene Dizon at marami pang iba.

Walang maipipintas sa oelikulang ito, kaya naman ito nangatawan sa atin sa nakaraang Paris Cinema 08, Ang prestihiyosong Academy Awards at ang Best Foreign Language Film ng Pilipinas.

Ang banghay ng pelikula ay sinamahan pa ng malikong agos na istorya ni siyang nagbibigay ng "air of suspense" sa mga manunuiod. Walang papantay sa ganda ng cinematography nito at ang mga anggulo ng camera ay tama sa bawat kilos ng artista. Nagandahan ako sa pinakaunang eksena sa bunga, para sa akin, iyon ay misteryoso ngunit mayroong mabigat na nilalaman. Napakaganda ng istorya at ng pagdirehe na aking bibigyan ito ng 9/10 sa scale rating. Isa itong kakaibang pelikula na pumupukaw sa ating damdamin at iiwan tayong "wanting for more".

1 comment:

  1. Mahusay ang paglalahad ng argumento ng pagsusuri na sinamahan pa ng ilang pagpapatunay. 98%

    ReplyDelete