Wednesday, March 11, 2009

Kabugan:Kritik at Opinyon Sa Naglahong Kinang ng Teatro Tomasino.



Ang Kabugan ay isang produksyon ng Teatro Tomasino ng Unibersidad ng Santo Tomas. NAhahati ito sa dalawang semi-play. Ang una ay pinamagatang "Kulay Rosas ang Dapit-Hapon,Minsan sa Isang Taon" at ang pangalawa ay ang kagilagilalas na "Anino". Ipinalabas ito ng hmugit kumulang na isa't kalahating oras sa tanghalan ng Albertus Magnus sa Education Building ng UST.
Madaming nagsasabi na hindi maganda ang kinahinatnan ng dulang ito. Sa aking pananaw, ang lahat ng mga ekspektasyon sa dulaang grupo ay naglaho. Lahat ng kanilang pinaghirapan ay bumaba, dahil sa dula na ito, na hindi nga talaga maganda. Ang Teatro Tomasino ang opisyal na tangahalng dulaan ng Unibesidad, ngunit sa kasamaang palad, hindi nila "naideliver" ang mga ekspektasyon ng manonood. Hindi ko nga naintindihan ng husto kung ano ang ptutunguhan ng tema ng dalawang itinanghal, kung papaano sila magkakabit o kaya naman ano ang relasyon ng dalawa at pinagsama sila sa isang produksyon.
Ang unang dula ay tungkol sa iang babae, na naglalakad lakad sa zoo, kumakain ng chichirya. May isang lalaki na lumapit sa Dito ngasimula ang pag-iibigan ng dalawa, ngunit sa kasamaang palad, ang lalaki ay kasal na sa asawa niyang pinagmamalupitan siya ng husto. Naging "routine" na nuilang magkita sa zoo tuwing araw ng Linggo, parami ng parami ang naikukwento ni lalaki kay babae, ngunit hindi naniniwala ng gaano si babae hanggang sa dumating ang asawa ni lalaki at nahuli silang dalawa, pinagbabaril sila ng asawa nilalaki at namatay si babae na hindi nakuha ang sagot ni lalaki sa alok ni babae ng kasal.
Sa aking pananaw, ang pagkakadirehe ay maayos naman. Wala namang halatang mga nakalimutang linya,magagaling ang mga aktor na nagsiganap, maganda ang musical scoring at ang light effects pati na rin ang props. Ang pinakamalaking ipinagkamali nila ay ang mismong istorya. Ito ay nakakabagot at pwedeng tulugan. Sana ay dinagdagan nila ng mga karakter, hindi yung parang nagmomonologue ang mga aktor sa entablado. May nakapagsabi na ginawa lang daw ang dula ng isang linggo, ngunit, hindi ba dapat na dahil sila ay opisyal na nagtatanghal ng mga dula ng UST ay responsibilidad nila ang gumawa ng isang magandang dula, dahil masisira ang kanilang reputasyon at ang pangalan bilang magagaling na tagapagtanghal.
Ang pangalawang dula ay kagila gilalas. Ginulat nila ang awdyens sa kanilang pangunang entrada. Nakakatakot ito at napakaganda ng plano at napakamasining. Iyon lamang ang nagustuhan ko sa buong produksyon, ang paggamit nila ng "black lights".
Ang istorya ng dula ay tungkol sa isang matandang dalaga na nakapangasawa ng ay anak na. Siya si Luna. Ang kanyang asawa ay may anak na nagngangalang Maryo. Si MAryo at Luna ay nagtatagpo at may lihim na relasyon bukod pa sa pagiging "mag-ina". Nagbunga ang pagtataksil ng dalawa at napatunayan ni Maryo na hindi siya baog. Pinatay ni Maryo ang kanyang ama. Nalaman ito ni Luna at inamin naman ito ni Maryo, binawian ni Luna ng buhay si Maryo at doon nagtapos ang istorya.
Ang pangalawang istorya ay mas kagiliw giliw ng kaunti kaysa sa una. Dahil may elemento ng "suspense". Ngunit ang takbo ng istorya ay mabagal at parang ipinilit lang ang ibang eksena. Maganda ang "set" at napakamasining nito. Tama ang pagpatay at bukas ng ilaw, at ang mga musical scoring ay nakakapagdagdag sa "suspense" ng dula. Marahil nga sa gahol na panahon,kaya naging ganoon ang palabas nila, ngunit kung isa kang propesyonal na aktor at staff ng isang produksyon,gagawin mo ang lahat ng dapat upang maging maganda ang kakalabasan ng dula.
Sa kabuuan, ang produksyon ay maituturing na "flop" sa lenggwaheng pangdulaan. Hindi nakakatuwa ang kanilang itinanghal. Maari mang magaling sila sa effects, lights, sounds at props o iba pang teknikal na aspeto, hindi ito ang nagbubuhat ng isang produksyon, kundi ang mismong palabas sa kabuuan. Sana sa susunod,ay makabawi ang Teatro Tomasino sa kanilang ipinalabas ng hindi magmukhang kahiya-hiya sa madla.

1 comment: